Bakit ba ganun? kung kelan naman ako nagka-broadband, saka naman ako hindi makapag-post sa blog. Dati na parang-pagong ang bagal ng aking dial-up medyo masipagsipag pa ako.

Ano nga ba pinagkakaabalahan ko ngayon?

Nasa OB na ang rotation ko ngayon. Halos lahat ng mga tao sinasabihan ako mag-OB. Hindi naman bagay sa akin. I just don't see myself as an OB. No offense to the OBs out there. Pero malay natin biglang mag-iba ang ihip ng hangin at mapadpad ako dun sa residency....Yaw ko magsalita ng tapos. Pedia pa rin kasi ang gusto ko (sana). Matagal-tagal pa naman ang pagpili nun. In the meantime gusto ko muna magprepare sa boards
Nga pala, nanunuod din ako ng mga medical (drama) series. Yung Grey's Anatomy at House M.D. Tingin ko lahat ng mga med students at doctor-(doctoran) alam ang mga series na to.

Hindi ko napanuod masyado yung mga dating series tulad ng E.R at Scrubs. Pero yung sa 2 ito, dumayo pa ako ng Quiapo para makabili ng seasons 1-2. At dahil sa broadba

nd, na-dodownload ko na ngayon ng season 3.

Personal favorite ko si Merideth Grey... syempre kasi siya ung bida. Nakakatuwa kasi mga characters sa Grey's. Light lang yung mga theme, hindi sobrang serious. Plus, cutey si McDreamy at si McSteamy!!!!

Ibang level naman kasi ang house M.D e. Hindi siya yung by the book na doctor. He follows his gut instincts..na more often than not ay tama. Sabi nga ni Foreman, "He's a manipulative b*st*rd. But he's the best damn doctor there is." Hindi siya naniniwaka sa patient care. Hindi kasi siya galing sa isang Royal Pontifical chuvaness na med school. Hehehe.
Anyweys, cge manunuod na ko. Next time na uli.