I always wanted to be a doctor (well, except when I wanted to
be an astronaut or a supermodel). When asked about the specialty I will be taking, I would answer (without batting an eyelash) "Pediatrics!". How time flies.... Ilang taon na nga ba akong nagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng pagdodoktor?
I'm just a few weeks away from my graduation in medical school here in UST. I'm almost finish with my clerkship (uhmm...not counting all my abscences!). My revalida has come and gone. Now, I'm in my last rotation in clerkship...Pediatrics.
My first month in Pediatrics is in the OPD (Well-Baby --> Sick-Baby --> ER), our second month started in Fabella for 5 days (longest 5 days in my life) and then on to the wards. All in all, I've convinced myself that Pediatrics is really not for me. Bakit ko ba nasabi to? Hay naku, unang-una, hindi ko kaya maging mahinahon sa mga bata. Ilang beses na ba akong nagka-migraine sa OPD dahil sa kakulitan ng mga bata. Napakulit kasi ng mga bata. I don't know what is it with kids and chairs.. the kids kept on dragging them around the OPD kahit na ilang beses na silang nakurot o nasigawan ng kanilang mga nanay. Ang hirap pa nila i-examine! Lalo pa kapag nag-umpisa na silang umiyak. Meron pa ngang isang bata na sumuka ng naglagay ako ng tongue depressor sa throat niya (positive gag reflex ika nga). Yung iba, lalo na yung mga na-admit na dati at
medyo nakakaalala na....natatakot na sa mga nakaputi. Akala kasi nila tuwing hahawakan sila ng mga "nakaputi" ay tutusukan sila ng KARAYOM (Ouch!), na-trauma siguro. Kaya nga ba ang hirap nilang i-monitor, nagmumukha tuloy na napakabilis ng Respiratory Rate nila (e paano umiiyak!).
Isa pang nakakaasar ay ang mga bantay...mula sa nanay, tatay, lola, tita at kapitbahay. Napaka-demanding at ang hirap kausapin. Mahirap pa baliin ang kanilang mga paniniwala (hindi nila alam mas nakakasama ang mga yon sa mga bata). Nagagalit pa sila kapag i-momonitor ang mga bata kapag gabi at madaling araw (hindi ba nila alam ang "Monitor VS q1 and record". Ang buhay nga naman....blurred!
I can't wait for pedia rotation to end. Napakarami ko pa sanang kwento, kaya lang hindi na carry ng powers ko. From duty kasi ako. Buti na lang hindi natuloy ang hema-con kanina.
